
"Wanted: My Carnal's Replacement"
Iilang araw nalang at maaalila na ako ng aking partner-in-crime na si Ginoong Josh "Diet" Basquena . . .
Matagal tagal na rin akong malungkot, napag iisip, di mapakali dahil simula Abril eh magisa nalang ako rito sa UBP . . .
Sayang . . . Sayang lahat ng aming plano, pangarap, at hinaharap sana magkasama . . .
Marami rami rin akong natutunan sa aking mahal na kaibigan . . . pano dumiskarte, magtrabaho ng pulido, at higit sa lahat, pano ipirmi ang aking mga paa sa lupang kinatatayuan at parating lumingon sa aking pinanggalingan . . .

Halos tatlong taon kami magkakasama dito sa UBP, at o anong saya ng tatlong taon na yaon . . . at o anong bilis na lumipas . . .
. . . di nga talaga kapansin pansin ang taon sa paglipas kapag masaya ka sa piling ng mga kasama . . . ngunit kapansinpansin naman ang kada segundo kapag mawala na sya sa tabi mo . . .

Para sa aming matalik na kaibigan, maligayang pag-alis . . . gud lak sayo . . . ika'y lubusan naming mamimiss . . .
Nawa'y maging mainam ang pagtanggap sayo ng mga bago mong magiging kaibigan . . . Nawa'y wag kalimutan lahat ng kaibigang iiwan . . .
Higit sa lahat, wag kakalimutang ipirmi ang mga paa sa lupang kinatatayuan, lumingon sa pinanggalingan upang makita ang aming gwapong mga mukha, at magpasalamat sa Itaas para sa biyayang ipinagkaloob Nya sayo . . .
Mabuhay ka kaibigan!